A Scam
On knowingly being scammed by an IG account named Quadriga Shop for Mariah Carey Concert tickets
Ang pag-aantay sa’yo ay parang
pag-aantay ng ticket
galing sa Scalper Scammer
hanggang sa huling sandali
umaasa kang hindi ka
niloko
Alam ko na e, Alam ko na e,
sa unang kasunduan pa lang na imposibleng matupad
Same day delivery na hindi dineliver the same day??
Bakit ko pa sinugal? Masyado ata akong
willing
Masyado ata akong masaya,
nakalimutan ko na, maliit man yan
masakit pa din pala
ang mawalan


